The book according to Noranians:


Naaliw ako habang binabasa ito; napaiyak rin ako. Napakaraming nagmamahal sa ating Superstar. Iba'
t ibang dimensiyon. Hinahangaan ko kayong lahat na naging bahagi ng aklat na ito.
Ana Abu, NoraAunor@yahoogroups.com, August 28, 2006

Sa pagbabasa ko ng account nila Albert Sunga, Emmanuel So, at yung matandang inapi ng guard sa ABS-CBN, etc., sinipon ako sa pag-iyak! At tawa ako nang tawa kay Raffy sa pilit na pagpapanood niya ng Andrea sa mga bisita nila sa pista.
Christopher Perez, TheOneAndOnlySuperstar, June 20, 2005

Sana magkaroon ulit ng book na katulad ng una pero si Nora sa mga Noranians na palengkera, basurero, labandera naman issue (puro kasi nasa ibang bansa yung sumulat eh, no offense po). Nangingiti ako sa mga isusulat nila. Hihihi! Ano kaya?
Bernardo Lopez, TheQueenOfPhilippineCinema, March 29, 2006



Tawa ako nang tawa sa mga pangyayari sa buhay ni Marlon habang binabasa ko ang libro ... kung papaano siya nakipag-eksena kay Eddie Garcia, este sa tatay niya ala-Tinik sa Dibdib. Buti na lang mabilis siyang tumakbo. Si Nanay Milz, imbiyerna talaga sa titser niyang istorbo habang nagbabasa ng balita about Ate Guy. Ang ganda-ganda ng libro, kahit yata ulit-ulitin pa, di pa rin ako magsasawang basahin ang pagiging fan ng bawat isa sa atin.
Jorge Demafeliz, NoraAunor, May 21, 2005

Natapos ko na 'yung book pero inuulit ko pa ring basahin. Ganda ng mga stories!
Noey Novoa, NoraAunor, May 21, 2005

Napakagandang basahin, mga kaibigan, dahil ito ay hango sa mga tunay na pangyayari. 'Yong mga ibang nagsulat na di ko kilala, pagkatapos kong mabasa ang kanilang mga kuwento parang gusto ko silang makita at paghahagkan. Ramdam na ramdam ko na lahat tayo ay mahal na mahal si Ate Guy at tayo ay iisang pamilya.
Milagros Long, NoraAunor, May 21, 2005



Alam ko sa sarili ko na Noranian ako bago ko pa mabasa ang librong ito pero pagkatapos kong mabasa ang mga kuwento ng ibang Noranians, nag-alinlangan ako sa pagiging Noranian ko. Ni wala sa kalingkingan ang pagiging Noranian ko kumpara sa kanila. Hindi naman sa nakikipagkumpitensiya ako pero ’yun lang talaga ang naramdaman ko. May halong inggit din kasi marami sa kanila eh nakadaupang-palad at nakasalamuha na si Nora. Ngunit higit sa lahat pinahanga nila ako. Ang humanga at magmahal ay natural lamang. Ang ipangalandakan ang paghanga at pagmamahal na iyon ay kahanga-hanga. Pero ibang usapan na kung isang Nora Aunor ang hinahangaan at minamahal at ipangangalandakan pa. Kamangha-mangha at katapangan na ’yan. Walang kaduda-duda, maraming pagkutya at pag-alipusta ang iyong mapapala. Mahirap ... masakit sa dibdib pigilin ang nararamdaman. Kaya sa mga kapatid natin na nagsiwalat ng kanilang mga kuwento at nararamdaman bilang Noranian, saludo po ako sa inyong lahat. Napatawa ako at napaiyak habang nagbabasa. Napaisip din ako na kaya siguro ganun na lang katindi ang pagyakap ng mga tunay na Noranian kay Nora ay dahil sila mismo ay may mga karanasan na maihahalintulad sa karanasan ni Nora. Sa madaling salita, maraming Noranians na madrama at makulay din ang buhay. Si Nora ang nagbigay-sigla at saya, naging kasama sa lungkot at sa pag-iisa. Noon, wala akong kilalang Noranian na katulad ng mga nagpahayag sa librong ito. Ngayon, ilan sa sa kanila eh kilala ko na at itinuturing na mga kaibigan. Matagal ko na ring hindi binubuklat ang libro pero ngayon pa lang alam ko na sa muling pagbabasa, mas malutong ang halakhak at mas maraming luha ang papatak.
          Ang librong ito ay patunay na meron tayong magagawa para maipahayag at maintindihan ang kahalagahan ng isang Nora Aunor. ... Maganda rin sigurong mabasa ang mga pahayag matapos ang malungkot na kaganapan isang araw noong Marso 2005. Mas maraming magtataka at mapapaisip kung bakit hanggang ngayon ay may mga Noranians pa.
Sydney Go, NoraAunor@yahoogroups, August 11, 2008



Aside from meeting some Noranian friends, there is another good thing that happened to me during my a-little-over-a-week stay in the PhilippinesSi Nora Aunor sa mga Noranian. Nestor De Guzman, its editor, should be commended for coming up with a compilation of testimonies that reflect sincerity in the truest sense of the word. The book is Nora Aunor. Nora Aunor is the book. It will remind all of us of one factno other actor in Philippine cinema is as transparent as Nora Aunor as her life is an open book. This is one difference between Noranians and other fans. From her rise to superstardom to the present time, details of Nora Aunors life, whether truthful or not, have always been fascinating. Kahit siguro sa kahu-hulihang sandali ng buhay ng Superstar, mananatili siyang isang taong hahangaan at kasasabikan. Noranians may have varied ways of expressing love, concern, and admiration for Nora Aunor, but the book is one proof that the Superstar has long captured our hearts. If you still dont have a copy, please do get it. You will fall in love with it.
Ruben Sta. Ana, TheOneAndOnlySuperstar, June 19, 2005

















To say na maganda ang laman ng libro will be an understatement!
Basta, punung-puno siya ng puso at kaluluwa. Habang pinipilit kong tapusin ang libro kagabi sa isang upuan lang, hindi ko mapigil ang maluha, mangiti, humalakhak sa bawat kuwento ng buhay unfolding before me. I felt proud of Ate Mila dahil naipasa niya ang kanyang NCEE with high scores kahit nahuli pa siya ng teacher niyang nagbabasa ng Kislap sa kanto on the eve of the exams. Tawa ako nang tawa nang hindi tumigil sa pag-iyak ang apat na taong gulang na si Jorge dahil sinabi ng katulong nila na pangit si Nora. May kirot sa puso ko habang inilalabas ni Manny So ang lukot-lukot na petition paper (dahil nakipagsuntukan siya sa chairman ng student council dahil pinagbabawalan siyang magpapirma sa mga estudyante) para sa "Isang Milyong Lagda Para sa Superstar," sabay tanong sa principal kung Noranian ito (dahil kinampihan siya) at tuluyang akong napaluha nang sumagot ang principal na Oo, Noranian ako, kaya akin na at pipirma na ako.Guys, really, be prepared coz this book is one hell of an emotional ride for all of us Noranians.
Marlon L. Antolin, NoraAunor Yahoogroups, April 28, 2005

I bought my copy yesterday and started reading at random the testimonies of the names I always read here sa ICON, like that of Mandy, Lady Guy, Pacita M. What floored me was that pouring of heart of Marlon. It gave me few laughs and heart-pinching moments. Well written and very true. I may not have the same burning passion but I know I can sense its sincerity and love. I also appreciate how Noras life intertwined in personal, political, and economic climate. Great job guys!
joeldavid2004, NoraAunor Yahoogroup, May 17, 2005

Napaluha ang ate ko nang mabasa niya ang mga sinulat ko at sinabi niya na bakit daw tandang-tanda ko ang lahat ng mga nangyari sa amin mula pagkabata. Sabi ko sa kanya, katulad ni Ate Guy, malaki ang puso ko at nasa loob nito ang lahat ng mga bagay-bagay, masasaya man o malulungkot, at naghihintay ng tamang pagkakataon upang maibuhos, maibahagi, at gawing kanlungan sa paglago. Ang sarap talagang maging Noranian!
Marlon L. Antolin, NoraAunor Yahoogroups, May 20, 2005

What a book! I was surprised myself coz I was able to read the entire book from cover to cover in an hour! I encourage all the Noranians and even non-Noranians to get a copy of the book. It's great reading!
Jojo Devera, The Superstar Nora Aunor Thread, Pinoy Exchange Forum, May 26, 2005

The book Si Nora Aunor sa mga Noranian was one of the Christmas gifts I received in Christmas 2007, the first time in more than 20 years I spent Christmas season in the Philippines. It was given as gift by my younger sister whos an avid fan of Sharon Cuneta. But she knows how to please me. Anything Nora will make me very happy. My tears always stream down my face whenever I read the articles included in this book. Tears of happiness, appreciation, and adulation for all those people who through thick and think stay Noranian.
Richlieu Lemieux, NoraAunor Yahoogroup, June 9, 2008